Sana

Sana nga madali lang

Sana nga ganon kadali na kalimutan lahat

Lahat ng sakit na iniwan mo sa aking puso

Sa aking puso na ni minsa’y hindi nagawang saktan ka at ipagpalit sa iba

Sa aking puso na minahal ka ng lubos

Na parang ikaw ang nag-iisang mundo

Na parang ikaw lang ang nag iisang tao sa buhay,

Bawat oras, minu-minuto, ikaw ang laging hinahanap

Sabihin mo nga sa’kin

Ano ba’ng mali ko?

Ano ba’ng naging pagkukulang ko?

Ano ba’ng wala ako na meron ang iba?

Anong ba’ng gusto mo?

Kung may gusto ka, sabihin mo sa’kin!

Ibibigay ko ang gusto mo sabihin mo lang.

Sabihin mo dahil hindi ako manghuhula para malaman kung ano ang gusto mo. 

Masakit oo. Sobrang sakit! Alam mo kung bakit?

Dahil hindi ko nagawang sabihin sa’yo lahat ng katanungan na gumugulo sa isipan ko

Ang dami kong gustong itanong sa’yo na sana kahit doon man lang ay maliwanagan ako at matanggap ko kung bakit ka lumayo pero,

Hindi ko alam kung bakit…kung bakit mas pinili kong hindi magsalita at manahimik na lang

Siguro dahil huli na?

Dahil huli na ang lahat. Huli na

Huli na dahil nakita mismo ng mga mata ko ang kasagutan sa lahat ng aking katanungan.

Nakita kita

Hindi lang ikaw pati yung bago mo

Oo yung bago mo.

 Hindi naman siguro yun paghihinala diba!?

Lalo na’t nakita ko kung paano kayo magtitigan

Kung gaano ka kasaya kasama siya sa ilalim ng buwan at kumikislap na mga bituin

Na ni minsan ay hindi ko nakita noong kapiling pa kita

Doon ko naintindihan

Doon ko naintindihan na kahit gaano mo pa ka-mahal ang isang tao, mas pipiliin parin ng taong mahal mo yung MAS makakapagpasaya sa kaniya.

Sinabi ko sa sarili ko

Ayoko na. Tama na.

Baka ito na yung tamang panahon.

Tamang panahon para unti-unti kong gamutin yung puso kong sinugatan mo.

Ngunit isang araw dumating ka

Dumating kang muli

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata.

Unang pumasok noon sa isip ko, heto kana naman,

Pilit pinalalambot ang puso ko ngunit nanatili itong pusong bato.

Akala ko masaya kana?

Akala ko masaya kana kasama siya?

Pero bakit nandito ka’t pakiramdam ko’y para mong ginugulo ang puso’t isipan ko?

Ayoko na. Tama na.

Lumapit ka sakin

Lumapit ka at tinanong mo ako kung maaari bang ibalik ang ating nakaraan?

Natawa ako sa sinabi mo

Dahil kailanman, hindi na pwedeng ibalik pa ang nakaraan

Ang nakaraang minsan mo nang sinugatan at kahit maghilom pa, may bakas parin ng masalimuot na nakaraan.

Ayoko na. Tama na.

Advertisements