Search

writtenthoughtsofme

Let the words embrace you!

Category

spoken word poetry

Nais kong mamulat…

Nais kong mamulat

Mamulat sa katotohanan na hindi ko na kayang paligayahin ka pa

Na hindi ko na magagawang yakapin ka pa o makasama pa ng matagal

Nais kong mamulat ngunit paano?

Paano kung maging sa panaginip ko hanggang sa paggising ko,

Ikaw parin ang hinahanap ko?

Sasabihin ko sa’yo

Ikaw parin ang hinahanap ko dahil mahal parin kita

Pero bumitaw kana

Bumitaw ka nga ba dahil hindi mahigpit ang hawak ko sa’yo?

Napakaimposible

Dahil nung araw na bibitiw ka

Ikaw ang nakahawak sa akin

Habang sinasabi mong “sorry, mahal kita pero mas mahal ko siya”

Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod mong sinabi

Natulala na lang ako habang unti-unting nababalutan ng tubig ang mga mata ko

Hanggang sa tumalikod ka at naglakad palayo sa’kin.

Ilang buwan akong nagmukmok, nag-iisip kung bakit mas pinili mo siya?

Kung bakit mas mahal mo siya?

At kung bakit dalawa kaming mahal mo

Na ang pinagkaiba lang ay ang salitang “Mas”,

“Mas” mahal mo siya.

Siguro nga sapat na ‘to

Sapat na ‘to para ako’y mamulat

Mamulat sa katotohanan at tanggapin na hindi ako ang pinili mo.

Subalit sa pagmulat kong ito, isang katanungan ang tumatak sa aking isipan…

Paano ba’ng magmahal nang hindi nasasaktan?

Advertisements

Kaibigan

Maraming nagsasabi na ang kaibigan ay isa sa taong mahalaga sa ating buhay

Na ang kaibigan ay dapat mapagkakatiwalaan

Kumbaga sa magkasintahan, Loyal dapat sayo.

Ang isang kaibigan ay hindi ka iiwan kahit anong saya’t lungkot pa ang iyong nadarama

Mahirap ka man o mayaman, ito’y hindi makakahadlang.

Naalala ko nung araw na mas pinili ko yung kaibigan kong puntahan kaysa sa boyfriend ko

Dahil alam kong kailangan niya ko

Kailangan niya ko sa mga oras na nagdadalamhati siya sa paghihiwalay nila ng boyfriend niya.

Noong mga oras na umiiyak siya,

Ramdam na ramdam ko yung lungkot niya

Na para bang gusto ko na rin umiyak

Dahil noong araw na yun,

iniwan na rin ako ng boyfriend ko ’cause i chose my friend over him

Pero hindi ako umiyak. Moment niya yun e.

I chose my friend but he (my boyfriend) chose to break my heart.

Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko noon

Na para bang gusto nang sumabog ng puso ko

Na sa pag-uwi ko, tanging patak ng luha na lang sa aking mga mata ang lumabas

Kausap. Kausap siguro ang kailangan ko para maibsan ang sakit

Masaya ako dahil may kaibigan rin akong nandyan para sa’kin

Nakita ko kung gaano sila kapursige na pasayahin ako

Hanggang sa isang araw,

Nakita ko. Nakita ko yung taong nag-iwan ng sakit sa puso ko.

Oo aaminin ko may mali ako

Nagkamali ako

Nagkamali ako dahil mas pinili ko yung kaibigan ko

Mahalaga sila pareho sakin kaya sobrang hirap at masakit para sakin ang pumili

Pero wala nang mas sasakit pa nang makita ko siya

Nang makita ko siya na meron nang iba

At yun ay ang kaibigan ko.

Ngayon

Ngayon niyo sabihin sa akin

Kung gaano ba kahalaga ang isang kaibigan?

Na kahit mas pinili mo siya, pinagkatiwalaan, tinuring na parang kapatid, ay pinagtaksilan ka parin?

Paano mo nga ba masasabing Kaibigan kung yung mga araw na umiiyak siya at nandoon ka, ay isang malaking kalokohan lang?

Iba’t ibang emosyon ang naramdaman ko noon

Habang naglalakad kayo papunta sa’kin at sa ibang mga kasama ko

Kahit malayo pa kayo,

Alam kong nakatingin kayo sa’kin

Na para bang maamong tupa

At nang kayo’y lumapit

Hindi mo napigilan na hindi tumakbo palapit sa’kin

Siguro dahil napakabait mong kaibigan sakin?

Niyakap mo’ko at humingi ka ng tawad

Wala kayong narinig na salita mula sa aking bibig

Dapat nga ba? Dapat nga ba akong magbigay ng one more chance?

Ngunit paano? Paano kung ako’y muling maloko?

Natatakot ako.

Natatakot ako dahil baka muli na naman akong paikot-ikutin

Na baka sa bandang huli, hindi ko na mabigyan ng halaga pati sarili ko.

Pero sa araw na ‘yon

Nakapagdesisyon na rin ako

Pinapatawad ko kayo hindi dahil kaibigan kita at mahal ko siya

Pinapatawad ko kayo dahil sa ginawa niyong panloloko sa’kin.

Ayoko na. Tama na.

Sana

Sana nga madali lang

Sana nga ganoon kadali na kalimutan lahat

Lahat ng sakit na iniwan mo sa aking puso

Sa aking puso na ni minsa’y hindi nagawang saktan ka at ipagpalit sa iba

Sa aking puso na minahal ka ng lubos

Na parang ikaw ang nag-iisang mundo

Na parang ikaw lang ang nag iisang tao sa buhay,

Bawat oras, minu-minuto, ikaw ang laging hinahanap.

Sabihin mo nga sa’kin,

Ano ba’ng mali ko?

Ano ba’ng naging pagkukulang ko?

Ano ba’ng wala ako na meron ang iba?

Anong ba’ng gusto mo?

Kung may gusto ka, sabihin mo sa’kin!

Ibibigay ko ang gusto mo sabihin mo lang.

Sabihin mo dahil hindi ako manghuhula para malaman kung ano ang gusto mo.

Masakit oo. Sobrang sakit! Alam mo kung bakit?

Dahil hindi ko nagawang sabihin sa’yo lahat ng katanungan na gumugulo sa isipan ko

Ang dami kong gustong itanong sa’yo na sana kahit doon man lang ay maliwanagan ako at matanggap ko kung bakit ka lumayo pero,

Hindi ko alam kung bakit…kung bakit mas pinili kong hindi magsalita at manahimik na lang

Siguro dahil huli na?

Dahil huli na ang lahat. Huli na

Huli na dahil nakita mismo ng mga mata ko ang kasagutan sa lahat ng aking katanungan.

Nakita kita

Hindi lang ikaw pati yung bago mo

Oo yung bago mo.

Hindi naman siguro yun paghihinala diba!?

Lalo na’t nakita ko kung paano kayo magtitigan

Kung gaano ka kasaya kasama siya sa ilalim ng buwan at kumikislap na mga bituin

Na ni minsan ay hindi ko nakita noong kapiling pa kita

Doon ko naintindihan

Doon ko naintindihan na kahit gaano mo pa ka-mahal ang isang tao, mas pipiliin parin ng taong mahal mo yung MAS makakapagpasaya sa kaniya.

Sinabi ko sa sarili ko

Ayoko na. Tama na.

Baka ito na yung tamang panahon.

Tamang panahon para unti-unti kong gamutin yung puso kong sinugatan mo.

Ngunit isang araw dumating ka

Dumating kang muli

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata.

Unang pumasok noon sa isip ko, heto kana naman,

Pilit pinalalambot ang puso ko ngunit nanatili itong pusong bato.

Akala ko masaya kana?

Akala ko masaya kana kasama siya?

Pero bakit nandito ka’t pakiramdam ko’y para mong ginugulo ang puso’t isipan ko?

Ayoko na. Tama na.

Lumapit ka sakin

Lumapit ka at tinanong mo ako kung maaari bang ibalik ang ating nakaraan?

Natawa ako sa sinabi mo

Dahil kailanman, hindi na puwedeng ibalik pa ang nakaraan

Ang nakaraang minsan mo nang sinugatan at kahit maghilom pa, may bakas parin ng masalimuot na nakaraan.

Ayoko na. Tama na.

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑